MANILA – Nilinaw ng Dept. of Health (DOH) ang planong pamamahagi ng condom sa mga pampublikong paaralan.Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, hindi pa naman aprubado ng Dept. of Education (DEPED) ang nasabing panukala ng Philippine National Aids Council.Maliban ditto, wala pang nailalatag na panuntunan sa pamimigay ng condom.Gayunman, sinabi ni Ubial na hindi naman “parang kendi na ipamumudmod” sa mga bata ang condom dahil kalakip nito ang pagpapakalat ng impormasyon.Sinabi kasing bumabata ang nagkakaroon ng HIV sa bansa.Sa datos ng DOH – nasa 10,000 kabataan pilipino na edad kinse hanggang bente kwatro ang may sakit nito.Kalimitang dahilan ang “unprotected sex” o hindi paggamit ng condom sa pakikipagtalik.
Facebook Comments