Magpapatuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga apektado ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.
Ito ang tiniyak ng Malacañang matapos ang anunsyo ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian na tuloy ang pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburo ng Mayon Volcano.
Sinabi ni Gatchalian sa isang news forum sa Quezon City na organize ng Presidential Communication Office (PCO) na nasa 6,000 mga pamilya ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers na patuloy na tutulungan.
Ang ibibigay na cash assitance sa bawat pamilya ay nasa P12,300 hindi pa kasama rito ang family food packs.
Una nang inutos ni Pangulong Marcos sa lahat ng concerned government agencies na maghanda ng 90 araw na relief aid para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto pa rin ng Bulkang Mayon.