Pamimigay ng facemask at faceshield sa mga mahuhuling walang suot nito, kasama sa pondo ng PNP

May inilaang pondo ang Philippine National Police (PNP) para sa pamimigay ng facemask at face shields lalo na sa mga mahuhuling walang suot nito.

Ito inihayag ni PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana sa harap na rin ng kautusan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na obligado na ang pagsusuot ng face mask at face shield kapag lalabas ng bahay.

Ayon kay Usana, maraming natanggap na donasyon ang PNP at ginagamit nila ito pambili ng facemask at face shield at iba pang Personal Protective Equipment (PPE) para suportahan ang gobyerno sa paglaban sa pagkahawa-hawa ng COVID-19.


Sinabi ni Usana, bahagi ng humanitarian activities ng PNP ang pamimigay ng facemask at faceshield.

Una nang sinabi ni PNP Chief General Debold Sinas na hindi na aarestuhin ng PNP ang mga mahuhuling walang suot na facemask at faceshield sa halip bibigyan pa sila ng mga pulis.

Magkagayunpaman, paalala ng PNP na palaging magsuot ng facemask at faceshield para hindi mahawaan ng COVID-19.

Facebook Comments