Pamimigay ng financial assistance sa mga magsasaka sa Negros Occidental, pinangunahan ni PBBM

Nanguna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamimigay ng tulong pinansyal sa magsasaka sa Negros Occidental na lubhang apektado ng krisis.

Ayon sa pangulo, tuwing siya ay nag-iikot sa iba’t ibang lugar sinisiguro niya raw na may maibibigay na tulong ang gobyerno at magtutuloy-tuloy ito para sa taong bayan.

Sa ginawang pamimigay na pinangunahan ng pangulo aabot sa ₱88 million financial assistance ang naibigay sa siyam na organisasyon ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang munisipyo at siyudad sa Negros Occidental na nasa ilalim ng Philippine Rural Development Project.


Bukod sa financial assistance, namigay rin ang Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ng pangulo ng palay seeds sa 100 magsasaka sa ilalim ng Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF).

Samantala, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ay namigay rin ng tig-₱5,000 financial assistance sa 100 residente sa Bacolod City na kasama sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.

Sa talumpati ng pangulo sa aktibidad sinabi nitong gagawin lahat ng gobyerno na matulungan ang mga nangangailan ng tulong.

Facebook Comments