Patuloy na naghahatid ng ayuda ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Uwan sa pamamagitan ng pamamahagi ng family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bahagi ito ng “Walang Gutom” program na naglalayong matiyak na natutugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga residente habang unti-unting bumabangon ang komunidad.
Sa pakikipagtulungan ng mga barangay, naihatid ang mga food pack sa Pantal, Bonuan Binloc, Pogo Chico, Barangay I, Lasip Grande, at Malued.
Naging posible ang operasyon sa tulong ng DSWD FO1, mga disaster response teams ng lungsod at pambansang ahensya, pulisya, bombero, at barangay volunteers na magkatuwang na nagsagawa ng distribusyon ng relief goods. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









