Binuksan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Pozorrubio, Pangasinan ang pamimigay ng libreng prosthetics, wheelchair at artificial arm para sa mga kwalipikadong Persons With Disabilities sa bayan.
Ayon sa PDAO, layunin ng programa na makatulong sa pagpapabuti ng mobility ng mga PWD para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Maaaring mag-request online ang mga PWD o kanilang mga pamilya para sa kinakailangang assistive devices.
Kailangan lamang magsumite ng mga aplikante ng Certificate of Indigency, Medical Certificate, valid ID, PWD ID o Senior Citizen ID Number, at kopya ng PhilHealth ID.
Ang programa ay isasagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Local Government Unit ng Pozorrubio katuwang ang Provincial Government of Pangasinan.
Pinayuhan naman ng PDAO ang mga interesadong benepisyaryo na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa karagdagang impormasyon ukol sa proseso ng aplikasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










