Nabigyan na ng price cap cash assistance o sustainable livelihood program ang mahigit kalahating target beneficiaries ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) o itong mga maliliit na retailer ng bigas.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DSWD Usec. Edu Punay na pitong libong rice retailers ang nasa listahan ng Department of Trade and Industry (DTI).
Tig 15 libong pisong livelihood assistance ang ibinibigay sa bawat rice retailer.
Sa ngayon, sinabi ni Punay na mahigit apat na libo na ang kanilang nabigyan.
Tuloy-tuloy lamang aniya ang pamamahagi nila hanggang sa katapusan nitong setyembre.
Facebook Comments