Pamimigay ng pera ni Pacquiao, “immoral” at “unethical” – political analyst

Tinawag na “immoral” at “unethical election practice” ng isang political analyst ang lantarang pamumudmod ng pera ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao.

Aminado si Atty. Michael Yusingco, senior research fellow sa Ateneo De Manila University Policy Center na hindi pa maituturing na paglabag ang pamimigay ng pera ni Pacquiao dahil hindi pa naman campaign period.

Pero, hindi pa rin maiaalis ang duda kung talagang tulong o vote buying ang ginagawa ng senador.


“Ang pinaka main difference this time around is kandidato siya sa pagka-pangulo. So, yung act of giving out money, magkakaroon ng ibang konteksto yan na para sa’n ba yan? Talaga bang tulong yan o in a way, binibili mo na yung suporta o boto nung mga taong binibigyan mo ng pera,” ani Yusingco sa interview ng RMN Manila.

“Maybe it’s not, legally speaking, a vote buying pero it’s really an immoral and unethical election practice,” dagdag niya.

Naniniwala naman si Yusingco na hindi na epektibong istratehiya sa pangangampanya ang vote buying.

“Hindi ko masasabi na 100% effective yan na iboboto ka ng tao ‘no? Kasi pwede namang gawing ng tao, tanggapin yung pera… but there’s no guarantee that that’s going to translate into votes.”

Paliwanag niya, mayorya ng mga botante sa halalan sa 2022 ay mga kabataan na mas tumitingin sa plataporma at hindi sa perang ibibigay ng mga kandidato.

“Let’s remember, majority of our electorate from the youth ‘no. Baka yung majority of our voters, hindi masyadong consideration yung pera sa kanila. Mas iniisip nila yung kinabuksan ng bayan natin, so mas titingin sila dun sa policies and proposals nung kandidato,” punto pa ng political analyst.

Facebook Comments