Pansamantalang sinuspinde ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ang pamimigay ng Remdisivir at Tocilizumab sa mga pasyenteng nasa labas ng ospital.
Ayon kay NKTI Director Rose Marie Liquete, ito ay dahil sa kakulangan ng suplay ng dalawang gamot.
Tinatayang nasa 115 COVID-positive patients ang nasa NKTI kung saan karamihan ay severe at nasa kritikal na kundisyon.
Maliban pa rito, mayroon ding 60 pasyente ang naghihintay sa emergency room sa ospital.
Unang nang itinigil ng NKTI ang pamamahagi ng Hemoperfusion Cartridges dahil sa kakulangan din ng suplay.
Facebook Comments