Pamimigay ng tulong pinansyal sa mga PUV drivers, pinamamadali ni Senator Poe

Pinamamadali ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa mga kinauukulang ahensya ng gobyereno ang pagbibigay ng tulong sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan na labis ding apektado ng COVID-19 crisis.

Ginawa ni Poe ang apela matapos dumaing sa kanya ang iba’t ibang transport groups.

Tinukoy din ni Poe ang report sa Kongreso hinggil sa implementasyon ng Bayanihan to Heal as One Act na nagsasabing wala pa sa kalahati sa target beneficiaries sa transport sektor ang nabigyan ng emergency cash assistance.


Nakasaad sa report na sa 90,000 PUV drivers na benepisyaryo sa NCR, ay 40,418 pa lang ang nabigyan ng cash aid.

Giit ni Poe, ang mga PUV drivers ay walang bonus, walang benepisyo, walang work-from-home kaya sa panahon ng lockdown kung saan hindi sila nakakapasada ay talagang sa gobyerno sila aasa.

Facebook Comments