Cauayan City, Isabela – Sisimulan na bukas ng Isabela Provincial Government at National Food Authority o NFA ang pamimili ng produktong palay ng mga magsasaka partikular sa nothern isabela matapos na mag-ikot sa mga magsasaka ang IPG at mga tauahan ng NFA kahapon.
Ayon kay Provincial Consultant on Media Affairs Romy Santos, nakatakda bukas ang barangay ng Ara, Delfin Albano upang mamili ng mga produktong palay ng mga magsasaka.
Sinabi pa ni PCMA Romy Santos na ikinatuwa ng mga magsasaka ang hakbanging ito ng provincial government sa pangunguna ni Governor Faustino “BOjie” Dy at Vice Governor Antonio Albano na maibenta ng mga magsasaka ang kanilang produkto sa dagdag na presyo
Ipinaliwanag ni Provincial Consultant na ang alok ng NFA ay P17.20 at ang dagdag na P4.00 ng Provincial Government na presyo, at ang .50 sentimo bilang pantawid pamasahe kung saan magiging P21.70 kada kilo ng palay kumpara naman sa presyo ng mga traders na P22.30.
Samantala hanggang sa biyernes ang nakatakdang pamimili ng mga produktong palay kung saan kabilang ang Ilagan, San Mariano at Benito Soliven habang kasagsagan pa ang ani sa mga lugar na nabanggit.