Pamosong Tokyo Tower, iilawan ng kulay ng ASEAN flag bilang bahagi ng pagdiriwang ng 50th year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation

Inanunsiyo ng Secretariat for the Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation ang gagawing Tokyo Tower Lighting Up bukas, December 17.

Mababalutan ang pamosong Tokyo Tower ng mga ilaw na kulay pula, dilaw at asul na pawang kulay na bumubuo sa bandila ng ASEAN.

Ang hakbang na ito ayon sa Secretariat for the Commemorative Summit ay bilang bahagi na din ng pagdiriwang ng 50th year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation at bilang tribute na rin sa mga dadalong ASEAN Leaders.


Sisimulan ang Tokyo Tower Lighting bukas ng alas sais kinse ng gabi hanggang alas dose ng hating Gabi.

Ang Tokyo Tower ay Isang communication at observation tower na matatagpuan sa Shiba-koen district ng Minato, Tokyo, Japan at naitatag noong 1958.

Ang 332.9 meters na istraktura ay itinuturing na second-tallest structure sa Japan.

Facebook Comments