Lalong bibigyang pansin ng Department Of Education (DEpED) Region 02 ang pagsasagawa ng pampaaralang programa sa pagbasa kasabay ng muling pag-implementa ng full face to face classes ngayong taon.
Ayon kay Regional Director Benjamin Paragas ng DepEd R02, isa sa mga labis na problema ngayon ng kanilang hanay na epekto ng pandemya ay ang paghina ng mga estudyante lalo na sa pagbasa.
Sinabi nito na malaki itong problema dahil kulang na sa pang-unawa ang mga mag-aaral.
Dahil dito, gumagawa na aniya ng programa ang kanilang ahensya para malagyan at mapunan ang kakulangan sa edukasyon na hindi naibigay sa mga mag-aaral ng dalawang taon dahil sa pandemya.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni RD Paragas ang lahat ng kanilang mga stakeholder sa tulong at suporta na kanilang ibinibigay para makamit ang dekalidad na edukasyon.
Facebook Comments