PAMPALASANG PUTING SIBUYAS AT BAWANG, RAMDAM ANG PAGTAAS NITO NGAYON SA ILANG PAMILIHANG BAYAN SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, DAHILAN NITO, ALAMIN

Walang magawa ang ilang mamimili kundi sumunod nalang sa itinalagang presyo ngayon ng mga nagtitinda ng puting sibuyas at bawang dahil sa pagtaas ng presyo ng mga ito.
Sa pagtatanong-tanong ng iFM Dagupan sa iba’t ibang nagtitinda ng pampalasa gaya na lamang ng puting sibuyas at bawang, inakyat na nila sa P140-150 ang kada kilo ngayon ng puting sibuyas na dati ay nasa P120-130 lang, mataas kumpara sa presyo ng pulang sibuyas nasa P120-130 lamang.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Warren, tindero sa pamilihang lungsod ng San Carlos, bagamat tumaas ang presyo nito, marami pa rin ang hindi mapigilang bumili dahil kailangan sa kanilang negosyo o sa kanilang bahay at dagdag pa niya, kung gumalaw Ang presyo sa angkatan, kailangan ding igalaw ang halaga.

Samantala, may paggalaw din ng presyo Ang pampalasang bawang kung saan sa dating presyo nitong P100 ngayon ay nasa P140 kada kilo.
Ipinaliwanag ng OPAG o office of Provincial Agriculturist Pangasinan, na ang dahilan ng pagtaas ng mga ito ay dahil unti-unti nang nauubos ang mga naimbak noong panahon puting sibuyas gayundin Ang bawang na umaasa lang ang probinsya sa dumarating na suplay mula sa ibang lugar dahil hindi na garlic producer ang probinsya.
Dagdag pa OPAG na sa mga susunod na linggo asahan pa ang paggalaw kung magtuloy-tuloy ang demand ng mga ito. |ifmnews
Facebook Comments