Pampanga at Batangas, nakikitaan na ng paglobo ng COVID-19 cases – OCTA

Mabilis ang pagtaas ng COVID-19 cases sa labas ng National Capital Region (NCR), partikular sa Pampanga at Batangas.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, maliban sa mga lugar na nasa ilalim ng NCR+ ay may ilang lalawigan din ang nakikitaan ng paglobo ng kaso.

Hinimok ni David ang gobyerno na bantayan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga lugar na hindi kasama sa GCQ bubble.


Bagamat nakokontrol ang kaso sa loob ng area bubble, dapat ding tingnan ang galaw ng mga kaso sa labas nito.

Facebook Comments