Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, pinayagan na bumiyahe sa tatlong bansa sa Asya

Manila, Philippines – Pinayagan ng Pasay City Regional Trial Court ang hiling Ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na bumiyahe sa tatlong bansa sa asya.

Inaprubahan ni Judge Jesus Mupas ng RTC branch 112 na makapunta ang dating pangulo sa Japan, Hong Kong at Myanmar mula December 26, 2017 hyanggang January 12, 2018.

Tutungo sa Japan at Hong Kong si Arroyo kasama ang kanyang pamilya para ipagdiwang ang pasko habang ipinangako naman nito na magpapadala siya ng mga skilled workers sa Myanmar.


Naglagay na ang kampo ni Arroyo ng 700,000 pesos na travel bond.

Facebook Comments