Mariing itinatanggi ni Pampanga Representative Aurelio Gonzales na senyales ng pagsuporta sa kanyang pagtakbo sa speakership ang pagkakatalaga sa kanya sa PDP-Laban bilang bagong Interim National Executive Vice President ng partido.
Aniya walang kinalaman ang kanyang bagong posisyon sa partido sa pagnanais na maging speaker ng 18th Congress.
Paliwanag dito ni Gonzales, wala pang desisyon ang ruling party sa kung sino kina Marinduque Representative Lord Allan Velasco at Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez ang manok ng partido sa speakership race.
Inaabangan din nila ang opisyal na desisyon ng PDP na maaring ilabas anumang araw ngayong Linggo.
Dating Regional President for Central Luzon at Deputy National Campaign Manager noong nagdaang 2019 midterm elections ng partido si Gonzales.
Dahil dito, kakatawanin ni Gonzales ang liderato ng PDP-Laban sa panahon na wala ang Presidente ng partido pati na rin ang pagpe-preside sa mga meeting ng grupo.