Naaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) sea marshals ang suspek sa isang bomb threat sa pantalan ng Bongao, Tawi-Tawi nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa PCG, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang pasahero na tinangka siyang patayin ng suspek na nakasakit din ng isang Philippine Marine Corps (PMC) sea marshal kung saan tinangka nitong kunin ang service firearm ng awtoridad.
Habang hinuhuli ng mga awtoridad, inanunsiyo naman ng supek na nagtanim siya ng dalawang bomba sa loob ng naturang vessel.
Kaagad namang pinababa ang mga sakay nito para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Samantala, sinabi naman ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, na negatibo sa banta ng bomba ang barko sa isinagawang pag-iinspeksyon ng Coast Guard K9 Unit-BARMM.
Lumalabas na pananakot ang ginawa ng suspek na hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan.
Matapos matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero agad ding pinasakay at nakabiyahe ng maayos ang barko paalis ng port ng Tawi-Tawi.