Pampasaherong jeep at UV Express, dapat payagan na muling pumasada

Iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na agad payagan ang muling pagpasada ng pampasaherong jeep at UV Express.

Ayon kay Pangilinan, kapag pinayagan nang bumalik sa kalye ang jeepney at UV Express, ay dalawang problema ang agad masosolusyunan.

Una, may masasakyan na ang commuters, at pangalawa mabibigyan na uli ng trabaho ang mga jeepney at UV Express drivers.


Katwiran ni Pangilinan, araw-araw na kalbaryo ang paglalakad ng mga mananakay habang ang mga jeep at UV Express drivers naman ay nanlilimos na dahil wala nang maitustos sa pagkain at pangangailangan ng kanilang pamilya.

Dagdag ni Pangilinan, pwedeng maipatupad sa mga tradisyunal na jeepney at UV Express ang mga health and safety protocols laban sa COVID-19 gaya ng physical distancing at regular disinfection.

Para din kay Senator Pangilinan, pagiging insensitive at ill-timed o hindi napapanahon na isulong ngayon ang modernisasyon ng mga pampasaherong jeep.

Facebook Comments