PAMPASAHERONG JEEP, BUMALIKTAD SA KALSADA; 25 KATAO, SUGATAN

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang nasa 25 katao kabilang dito ang isang 2-araw na gulang pa lamang na bata matapos masangkot sa vehicular accident sa Gobgob, Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa ulat, ang pampasaherong jeep ay galing sa Dagupan papuntang Dugpa habang ang SUV Foton naman ay patungong Bolinao.

Batay sa mga nakasaksi sa pangyayari, bigla umanong huminto ang sasakyan na sinusundan ng jeep kaya naman nag-overtake ito ngunit hindi nito napansin ang kasalubong na SUV.


Sa lakas ng impak, bumaliktad ang jeep dahilan upang magtamo ng injuries ang mga pasahero nito.

Isa sa mga pasahero ay nagtamo ng spinal injury na dinala sa Cagayan Valley Medical Center, dalawa naman ang fractured, at ang natitira ay kasalukuyang naka-confine sa provincial hospital.

Facebook Comments