Pampubliko at pribadong stakeholders, hinimok na magtulungan na para sa pagbangon ng turismo

Hinikayat ng Kamara ang pampubliko at pribadong stakeholders na magtulungan para sa full recovery o tuluyang pagbangon ng sektor ng turismo.

Sa inihaing resolusyon sa Mababang Kapulungan, umapela ang mga may-akda na magpatupad ng mga panukala na magpapabilis sa muling pagbuhay ng tourism sector.

Tinukoy rito na matapos ang dalawang taon ng pandemya ay naghahanda ang sektor na i-welcome ang muling pagbabalik ng mga domestic at foreign tourists ngunit kailangan pa rin ng sapat na tulong upang makabalik muli ang sigla ng turismo.


Isinusulong sa Kamara na para mas mapalakas ang commitment ng pamahalaan na matulungan ang mga apektadong kabuhayan sa turismo ay kinakailangang ikonsidera rin ang “inputs” ng lahat ng stakeholders tungo sa “whole-of-government at whole-of-society” solution.

Bahagi nito ang pagbuo ng “integrated tourism recovery roadmap” at iba pang policy at program solutions na makakatulong sa pagbangon ng turismo.

Kabilang na rito ang financial at wage subsidies para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs), pagtaas ng investment at capital support gayundin ang technical at fiscal assistance sa Local Government Units (LGUs) para sa tourism promotion.

Facebook Comments