Cauayan City, Isabela- Hinihintay na lamang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang sertipikasyon mula sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) para masimulan na ang pagbibigay ng ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan sa buong region 2.
Ito ay matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DSWD at DILG para sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga apektadong public drivers.
Ayon Ginoong Michael Patrick Pineda, Management Audit Analyst, DSWD RO2, umabot sa 3,648 na cleanlist drivers ang mapapasama sa mabibigyan ng cash assistance na isa sa mga naapektuhan ng pangkabuhayan dahil sa pandemya.
Aniya, kinakailangan kasi na maberipika ang tamang impormasyon ng mga drivers o ang katayuan ng mga benepisyaryo nito.
Tiniyak naman ng ahensya na matatanggap ng mga benespisyaryo ang cash assistance mula sa pamahalaan.