Pampublikong espasyo sa UP-Diliman, isasara

Simula sa Biyernes ay pansamantala munang isasara sa publiko ang lahat ng public spaces sa University of the Philippines – Diliman.

Ang mga ipapasara sa publiko ay ang buong Academic Oval, College of Human Kinetics, PAUW-UP Child Study Center, National Science Complex, at bike routes.

Sa abisong inilabas ng pamunuan ng unibersidad, epektibo ang pagsasara sa mga public spaces simula alas-4:00 ng hapon ng Biyernes ng hapon (March 12) hanggang Linggo ng gabi (March 14) at ipatutupad hanggang sa susunod na abiso.


Paliwanag ng unibersidad, ang hakbang na ito ay bahagi ng health at safety measures kaugnay sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at pagpasok ng bagong mga variants.

Pinapayagan namang magsagawa ng outdoor exercises sa kanilang mga purok ang mga campus residents basta’t mahigpit na nasusunod ang safety health protocols.

Facebook Comments