PAMPUBLIKONG PASYALAN SA DAGUPAN CITY, DINAGSA MATAPOS ANG KAPASKUHAN

Dinagsa ng mga tao ang mga pangunahing pasyalan sa Dagupan City kahapon, Isang araw matapos ang Kapaskuhan, kabilang na ang mga food strip sa downtown area, Baratilyo, malls, at simbahan.

Muling napuno ang mga food strips sa downtown area sa lungsod maging sa Baratilyo na patuloy pa ring tinatangkilik ng mga mamimili para sa mga bibilhing panregalo.

Samantala, hindi rin nagpahuli ang mga malls sa lungsod na dinagsa ng mga tao para mamasyal, mag-shopping, at magdaos ng holiday bonding.

Inaasahan naman na mas dadagsain pa ang mga bayan bayan lalo ngayong long weekend. Patuloy naman na nakaantabay ang hanay ng kapulisan upang matutukan ang seguridad ng publiko*. *|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments