Puspusan na rin ang ginagawang paghahanda ng mga kawani ng pampublikong sementeryo sa lungsod ng Dagupan para sa nalalapit na pagdaos ng Undas sa darating na buwan ng Nobyembre.
Patuloy na nililinis at isinasaayos ang sementeryo mula sa mga puno, damo at basurang nagsisitubuan at nagsikalat sa mga harapan ng mga puntod.
Nagpapatuloy din ang ginagawang renovation sa columbarium upang maayos umano itong bisitahin ng mga tao sa darating na All Saints at All Souls Day.
Samantala, ilang mga Dagupeño rin ang nagtutungo na sa puntod ng kanilang mga namayapang kaanak upang palinisan, magpaayos upang hindi na raw dagdag abala at tanging pagdalaw na lang ang gagawin sa pagsapit ng Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments