Pampublikong transportasyon sa Metro Manila, napabilang sa “worst public transit systems in the world”  batay sa 2022 Urban Mobility Readiness Index

Napabilang ang Metro Manila sa may “pinakamalalang pampublikong transportasyon sa buong mundo”.

Batay sa inilabas na resulta ng 2022 Urban Mobility Readiness Index, bumagsak sa pang-58 na pwesto ang Metro Manila sa “worst public transit systems in the world” mula sa 60 lungsod na kalahok.

Nasa pang-48 na pwesto rin ang Metro Manila para sa sustainable mobility at 56th na ranggo sa public transit.


Ang pag-aaral ay ginawa ng think tank na Oliver Wyman Forum at ng University of California, Berkeley kung saan animnapung lungsod sa buong mundo ang tinignan ang kalagayan at kahandaan sa usapin ng public transportation.

Kabilang sa naging basehan ay ang kalidad ng public transit systems, bilis ng pagko-commute, oras ng paghihintay at kung mura ang pamasahe.

Base rito, kabilang sa kinakaharap na problema ng public transportation sa Metro Manila ay ang poor quality ng mga kalsada sa lungsod at mga nagkokonekta rito sa ibang rehiyon, congested at polluted.

Facebook Comments