Ikinokonsidera na ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itaas ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon sa oras na ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila.
Ayon kay LTFRB Executive Director Kristina E. Cassion, inirerekomenda nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) na itaas sa 100% o full capacity ang mga pampublikong transportasyon.
Kabilang din aniya ito sa mga hinihiling ng PUV operators upang makabawi mula sa epekto ng pandemya at sunod-sunod na oil-price hike.
Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 2 ang Metro Manila kung kaya’t nasa 70% pa lamang ang capacity ng mga pampublikong transportasyon.
Facebook Comments