Pampublikong transportasyon sa mga lugar na nasa MECQ, mananatiling bawal – Malacañang

Dinipensahan ng Malacañang ang desisyon ng pamahalaan na panatilihing suspendido ang pampublikong transportasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ang Metro Manila, Laguna, at Cebu City ay nasa ilalim ng MECQ simula bukas hanggang May 31.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais lamang ng gobyerno na maiwasan ang biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na at unti-unting binubuksan ang ekonomiya.


Iginiit ni Roque na mahalagang hindi mangyari ang second wave ng infection.

Muli ring ipinaalala ni Roque ang travel guidelines lalo na sa mga manggagawang nagtatrabaho sa mga establisyimentong pinapayagan nang magbukas.

Palilinaw din ng Palasyo, nananatiling bawal ang non-essential travels.

Facebook Comments