Pamumudmod ng mga de-latang pagkain sa mga biktima ng kalamidad, pinapahinto at pinapapalitan ng isang kongresista ng MRE o “Meal, Ready-to-Eat”

Pinahihinto na ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pamamahagi ng mga de-latang pagkain sa mga biktima ng kalamidad tulad ng pananalasa ngayon ng Bagyong Kristine.

Suhestyon ni Ordanes, sa halip na canned goods ay mas mainam na “Meal, Ready-to-Eat” (MRE) ang ipamahagi sa mga relief operation tulad ng Adobo, Caldereta, Tortang Talong, at pwede ring vegetarian o Halal food.

Paliwanag ni Ordanes, ang mga de-latang pagkain na kasama sa disaster food relief packs ay high sodium at high preservatives na nakakasama sa kalusugan hindi katulad ng MRE na may taglay na nutrisyon.


Bunsod nito ay inirerekomenda ni Ordanes sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), pati sa Department of Trade and Indsutry (DTI), Department of Health (DOH), at Department of Science and Technology (DOST) na modernong version ng MRE ang isama sa disaster relief packages.

Inihalimbawa pa ni Ordanes ang ginagawa ng Unites States Armed Forces kung saan MRE ang baong pagkain ng mga sundalo at pulis na nasa field, lalo na ang mga nasa malalayong lugar.

Facebook Comments