Pamumuhuan sa Pilipinas, inaasahang lalakas kasabay ng pagbawi sa oil exploration ban sa West Philippines Sea ayon sa DOE

Kumpiyansa ang Department of Energy (DOE) na inaasahang papasok sa Pilipinas ang milyun-milyong dolyar na halaga ng investments matapos bawiin ang oil exploration ban sa West Philippines Sea.

Nabatid na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng DOE na ituloy ang petroleum activities sa lugar.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ang mga investments ang susi para muling makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.


Makakalikha rin aniya ito ng trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.

Sinabi naman ni Energy Assistant Secretary Bodie Pulido na tinatayang nasa $25 million ang halaga ng investments na maaaring ipasok ng service contractors.

Bukod dito, mayroong $78 million na minimum investments mula sa service contractors.

Sa datos ng DOE, lumalabas na nasa 6,048 million barrels ng langis at 7,108 billion cubic feet ng natural gas ang pinaniniwalaang taglay ng West Philippines Sea.

Facebook Comments