
Tinatayang higit $5-B ang maiuuwing halaga ng investment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang limang araw na state visit sa India.
Sa Kapihan with Media, sinabi ng Pangulong Marcos na nasa $446 million ang direct investment subalit marami pa aniyang papasok na pamumuhunan.
Kaya batay sa kanilang taya, maaaring umabot sa $5.6 – $5.7 billion ang pumasok na pamumuhunan sa bansa pagkatapos ng kanyang biyaheng India.
Kahapon ay iniulat na nasa 18 business agreements ang napirmahan at kabilang dito ang mga nasa linya ng renewable energy, infrastructure, health care, education, at information technology gayundin ang digital services, manufacturing at business process management.
Kaugna’y nito ay una na nang sinabi ng pangulo na naging produktibo ang kanyang pagbisita sa India.









