Pamumuhunan ng Maharlika Investment Corporation sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), iminungkahi ng Liderato ng Kamara

Iminungkahi ni House Speaker Martin Romualdez na mamuhunan ang Maharlika Investment Corporation o MIC sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ang suhestyon ni Romualdez ay tugon sa naranasang malawakang blackout sa Panay Island at ilang probinsya sa Western Visayas simula noong January 2.

Diin ni Romualdez, ang naturang pamumuhunan ng MIC ay maaaring magbigay ng mahalagang kapital para sa pag-upgrade sa mga imprastraktura na makatutulong sa pagpapababa ng halaga ng kuryente na higit makakahiyakayat sa mga dayuhang mamumuhunan.


Naniniwala si Romualdez na ang paglahok ng MIC ay magpapahusay at magbibigay kasiguraduhan sa maaasahang suplay ng enerhiya, magpapalago ng ekonomiya, susuporta sa renewable energy integration at magpapataas ng pananagutan sa mga operasyon ng NGCP.

Kaugnay nito ay iginiit din ni Romualdez ang Energy Regulatory Commission at NGCP na mabusising imbestigahan ang dahilan ng naturang nangyaring power outage.

Facebook Comments