Pamumuhunan sa disaster preparedness, dapat pag-ibayuhin

Matapos ang malakas na lindol na tumama sa Luzon ay iginiit ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na palakasin pa ang ating kakayahan sa paghahanda sa mga kalamidad.

Ayon kay Legarda, maaring gamitin dito ang pahintulot ng World Bank na tayo ay makapag-loan ng pondo na magagamit sa ating mga hakbang para maibsan ang epekto ng mga kalamidad o anumang sakuna.

Tinukoy ni Legarda na noong November 2021, ay inaprubahan ng World Bank ang Fourth Disaster Risk Management Policy Loan para sa Pilipinas na nagkakahalaga ng $500 million.


Sabi ni Legarda, matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette kung saan inilagay ang bansa sa State of Calamity ay nag-apply ang Department of Finance ng $200 million loan noong December 2021 at January 2022.

Diin ni Legarda, maari pa tayong mag-loan ng $300 million mula sa Disaster Risk Management Standby Loan Facility o ng World Bank.

Binanggit ni Legarda na ang nabanggit na salapi ay maaring gamitin sa koordinasyon at relief operations sa mga biktima ng lindol gayundin sa retrofitting ng mga lumang imprastraktura at mga gusali.

Facebook Comments