Nakipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos sa mga opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corporation (USNC) na isang kompanyang nangunguna sa nuclear technology at renewable energy sa US.
Tinalakay sa pulong ang kooperasyon sa sektor ng enerhiya ng Pilipinas.
Sa nasabing pulong, nangako ang nasabing kompanya na mamuhunan sa micro modular reactors at power generation projects na naka-angkla sa layunin ng pamahalaan na magbigay ng malinis na enerhiya sa bansa.
Maliban kay Pangulong Marcos, kasama rin sa nasabing business meeting sina Finance Secretary Ralph Recto, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, at House Speaker Martin Romualdez.
Noong 2023 ay nakaharap na ng pangulo ang mga kinatawan ng kompanya at maging ang US Presidential Trade and Investment Mission nitong Marso.