Pamumulitika, isa sa pinakamalaking problema sa loob ng PNP —DILG Chief

Malawak pa rin ang kompetisyon at pulitika sa Philippine National Police (PNP) sa kabila ng pagkakaroon ng maraming propesyunal na kapulisan.

Kaya naman para kay bagong Department of Interior and Local Government (DILG) Chief Juanito “Jonvic” Remulla Jr., ang pamumulitika sa loob ng PNP ang isa sa pinakamalaking problemang dapat solusyonan.

Ayon kay Remulla, mas madali pang tugunan ang problema sa mga tiwaling pulis kaysa sa pamumulitika.


Dahil dito, magrerekomenda ang kalihim ng mga reporma at pagbabago sa PNP, dahil sa halos tatlong dekada niyang panunungkulan sa lokal na pamahalaan ay alam na niya ang pagkakaiba ng mga mabubuti at masasamang opisyal at pulis.

Samantala, naniniwala rin si Remulla na bagamat hindi lumalala ay nagpapatuloy pa rin ang problema sa ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments