Pamumuno ni Davao City Mayor Sara Duterte sa DepEd, tiyak na makatutulong sa pagreporma ng edukasyon

Pinuri ni Committee on Basic Education Chairman Senator Win Gatchalian ang pasya ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hiranging Department of Education (DepEd) Secretary si presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio.

Naniniwala si Gatchalian na makatutulong ang political capital ni Inday Sara upang isulong at ipatupad ang mga kinakailangang reporma sa sektor ng edukasyon, kabilang ang pagrepaso sa programang K to 12.

Ayon kay Gatchalian, kinakailangang tugunan ang krisis sa edukasyon, lalo na’t hindi naging maganda ang performance ng mga mag-aaral sa bansa sa mga international assessment tulad ng 2018 Programme for International Student Assessment.


Binigyang diin ni Gatchalian na maraming Pilipino ang hindi kuntento sa programang K-12.

Tinukoy ni Gatchalian ang survey ng Pulse Asia noong December 2019, kung saan lumabas na 38% lamang ng mga Pilipino ang kuntento sa programa.

Ayon sa survey, 47% ang hindi kuntento sa programa dahil ito ay dagdag na gastos sa edukasyon, transportasyon, at pagkain.

Facebook Comments