Para kina Senators Sonny Angara at JV Ejercito, napatunayan ngayon na seryoso si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na lutasin ang nakaambang krisis sa pagkain.
Sinabi ito nina Angara at Ejercito makaraang magpasya si PBBM na hawakan muna ang posisyon bilang agriculture secretary.
Diin ni Angara, nangangahulugan ito na pangunahing prayoridad ni PBBM ang sitwasyon sa pagkain at pagsasaka lalong lalo na sa panahong patuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain sa pandaigdigang merkado at dito sa loob ng bansa.
Binanggit ni Angara, na maaari rin na naghahanap pa sila ng mahusay na mamumuno sa Department of Agriculture (DA).
Giit naman ni Ejercito, hudyat ito na dapat kumilos at magtrabaho ng husto ang mga taga-Agriculture Department.
Facebook Comments