Wala pa ring desisyon hanggang ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang itatalaga niyang sususnod na PNP chief kapalit ni General Oscar Albayalde.
Sabi ng Pangulo, gagawin niya lang ang pag-a-appoint sa Pambansang Pulisya sa sandaling makita niya na ang pinakamagaling na tao sa PNP.
Numero unong criteria pa rin ng Pangulo ang pagiging matapat at walang bahid ng korupsyon sa sinomang kanyang itatalagang mamuno sa Pambansang Pulisya.
Kaugnay nito inihayag ng Presidente na sa halip na corrupt din lang ang mailalagay niya sa PNP ay mas maiging siya na lang muna ang humawak sa organisasyon.
Ang gagawin lang naman niya ay magbibigay ng guidance at direction.
Matatandaang November 9 ng magretiro si Albayalde sa PNP at mula doon ay nananatili pa ring OIC ang namumuno dito sa katauhan ni Lieutenant General Archie Gamboa.