Cauayan City, Isabela- Pinuri ni Commanding General LT.Gen. Gilbert Gapay ng Philippine Army ang kasundaluhan ng 5th Infantry Star Division sa kanilang patuloy na dedikasyon sa trabaho para pangalagaan ang kapakanan ng taumbayan.
*“Ipagpatuloy natin ang ating galing, ayos, tapat at propesiyonal na pagganap sa ating tungkulin bilang isang Startrooper at bilang isang kawal ng Pilipino. Kasama niyo kami sa pagganap ng ating tungkulin hanggang makamit natin ang bottom-line of attaining inclusive peace and sustainable development dito sa area ng 5th Infantry Division,” dagdag Lt Gen Gapay.*
Ito ay kasabay ng kanyang pagbisita sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Bayan ng Gamu, Isabela nitong Lunes, May. 25, 2020.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Lt. Gen. Gapay sa lahat ng unit ng kasundaluhan sa buong Northern Luzon simula ng maupo ito sa pwesto noong Disyembre 2019.
Bahagi ng kanyang pagbisita ay ang masiguro ang kahandaan at kapakanan ng mga tropa ng kasundaluhan lalo na ang mandato ng kanilang trabaho na tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa buong Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.
Sa kanyang pagbisita, iprinisenta ni MGen. Pablo Lorenzo ang kanilang nagawa at inisyatibo kung saan malaking ambag ito sa kanilang hanay kung saan nagresulta ng mas tuminding Focused Military Operations (FMO), Retooled Community Support Program (RCSP), at Law Enforcement Support Operations (LESO) na nagresulta ng pagbungkal sa dalawang miyembro ng CPP/NPA-NDF kung saan ilang barangay ang apektado.
Inihayag din ni MGen. Lorenzo ang kanilang patuloy na pagtulong para labanan ang COVID-19 kung saan napanatili ang hindi pagkalat ng virus lalo na sa sitwasyon ng komunidad.
Sa ginawang virtual conference, iginawad ni Lt.Gen. Gapay ang Taurus Pistol kay Sergeant Albert Baligod, miyembro ng 95th Infantry (Salaknib) Battalion at 5IDs Enlisted Personnel of the Year Awardee para sa kanilang pagganap na nagresulta ng pagsuko ng ilang rebelde at pagkarekober ng ilang baril nitong nakalipas na Pebrero 16 sa siyudad ng Ilagan.