*Cauayan City, Isabela- *Nakaalerto na ang tropa ng 5th Infantry Division sa paparating na bagyong Ompong dito sa bahagi ng Northern Luzon.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Army Capt. Jefferson Somera, ang pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division Philippine Army na nakipagkoordinasyon an rin umano sila sa iba pang hanay upang paghandaan ang pananalasa ng Bagyong Ompong.
Nakahanda na rin ang kanilang mga kagamitan sa pagresponde sa magiging resulta ng ng bagyong Ompong.
Samantala, wala pa umanong paabiso na kanselado ang isasagawang Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test o (AFPSAT) bukas, September 13 at 14 habang ang isasagawang Army Qualifying at Special written examination ay sa Sept. 15, 2018 na.
Kaugnay nito ay magbibigay pa rin umano ng paabiso ang himpilan ng 5th ID kung hindi matutuloy bukas at sa biyernes ang nasabing eksaminasyon.