Pamunuan ng 86th IB, Magsasagawa ng Kumpirmasyon sa Umano’y Pagsunog ng NPA sa Equipment ng Eco Fuel Company sa Echague Isabela!

123

Echague, Isabela – Magsasagawa muna ng kaukulang imbestigasyon at kumpirmasyon ang pamunuan ng 86th Infantry Battalion kaugnay sa umano’y pagsunog kagabi ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa dalawang tractor at isang trailer ng Eco Fuel Company sa Purok 1 Brgy. Babaran, Echague, Isabela.

Ayon kay Lt. Col. Remigio Dulatre, ang Commanding Officer ng 86th IB na kailangan pa umanong ikumpirma ang tunay na pagkakakilanlan ng mga suspek sa pagsunog at kailangan aniyang malaman ang motibo ng pagsunog.

Aniya, wala naman umanong intel reports na may mga nakikitang miyembro ng NPA sa naturang lugar maliban sa mga karatig na barangay ng Babaran Echague.

Matatandaan na tinupok ng apoy kagabi ang isang tractor at bahagyang nasunog naman ang isa pang tractor at trailer truck ng Eco Fuel Company sa Echague, Isabela.

Facebook Comments