
Makikipagpulong na ang Department of Transportation (DOTr) sa pamunuan ng beep card hinggil sa isyu ng kakulangan ng suplay at mga sirang vending machine.
Ito’y kasunod ng ginawang pag-iikot at pag-iinspeksyon ng ahensya sa pangunguna ni DOTr Secretary Vince Dizon sa ilang istasyon kabilang na ang MRT-3 at LRT-1 sa bahagi ng Taft sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay Dizon, masyado nang luma at mabagal ang mga vending machine na nakalatag sa mga istasyon ng tren ng MRT at LRT.
Bukod pa riyan, reklamo rin na kanilang natatanggap ay ang kakulangan ng suplay ng beep card— hindi kasi makabili ang ilang pasahero ng naturang card para sana sa mas mabilis at madaling pagsakay sa tren.
Facebook Comments









