Pamunuan ng AF Payments Incorporated na gumagawa ng beep card para sa MRT at LRT, nagbabala sa paggamit ng kanilang kompanya para magbenta ng ‘beep charms’

Hindi gumagawa ang AF Payments Incorporated o AFPI na siyang gumagawa ng mga beep card para sa Metro Rail Transit o MRT at Light Rail Transit o LRT ng mga patok ngayong abubot o tinatawag na “beep charms.”

Ayon kay Jojo Carpio, president at CEO ng AFPI, ginagamit ng mga masasama ang loob ang kanilang kumpanya para sa naturang mga produktong naibebenta sa halagang P699.

Sa kanilang monitoring, nasa 20 ang nagbebenta ng beep charms at nakapagbenta na ang mga ito ng 20,000 pieces.

Katumbas ito ng halos P14 million na halaga ng mga beep charms o key chains.

Iginiit ni Carpion na wala silang ganitong klaseng produkto at ang kanila lamang ibinibenta ay beep card na mabibili sa napakamurang halaga na P30 kada piraso.

Facebook Comments