Pamunuan ng Barangay Holy Spirit sa Quezon City, inihahanda na ang ebidensya para sa kasong isasampa laban sa aktres na si Angel Locsin

Nagsasagawa na ang ilang opisyal ng Barangay Holy Spirit ng imbestigasyon tungkol sa pagdagsa ng tao sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin na ikinasawi ng isang matandang lalaki.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Barangay Holy Spirit Kagawad Jomar Logarta na inaalam pa nila kung ang barangay o ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ang magsasampa ng kaso sa aktres.

Nilinaw rin nito na hindi sila kontra sa intensyon ni Locsin na makatulong sa kanilang mga residente pero dapat ay nakipag-ugnayan ito sa kanilang tanggapan.


Handa aniya silang ipagamit ang isa sa mga covered court sa lugar na mas malaki para mas maraming maabutan ng tulong.

Samantala, inihayag ng Quezon City LGU na sasagutin nila ang gastusin sa pagkamatay ng matanda.

Facebook Comments