*Cauayan City, Isabela- *Matagumpay na naisakatuparan kahapon ang isinagawang Surprise Drug Testing ng PDEA sa mga Personnels at Persons deprived of liberty o mga PDLs ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Cauayan City.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Jail Chief Inspector Romeo Villante, ang Jail Warden ng BJMP Cauayan City, kusang loob na sumailalim sa surprise drug test ang lahat ng mga empleyado ng kanyang pamunuan maging ang mga bilanggo o mga tinatawag na PDLs.
Aniya, bagama’t naging positibo sa droga ang BJMP Cauayan makaraang isagawa ang Oplan Greyhound sa kanyang pamunuan ay malaki umano ang kanyang paniniwala na magiging negatibo ang resulta ng kanilang Drug test.
Ayon pa kay Jail Chief Inspector Villante, malalaman na umano ang resulta ng kanilang Drug Test sa loob ng isang linggo at handa pa ring sumailalim ang kanyang pamunuan sa anumang inspeksyon o Drug test.
Malaki rin ang kanyang pasasalamat dahil natapos na rin ang kanilang naudlot na Drug test sa tulong na rin ng Pamahalaang Panlungsod.