Tiniyak ng pamunuan ng BJMP Urdaneta City Male Dormitory na maayos at payapa ang kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty o yung mga PDL sa kanilang pangangalaga.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan Kay Jail Warden JCINSP Randy Batay-An, nasa kustodiya nila ang nasa 493 na pdls at sinigurong mabuti ang kalagayan.
Aniya, sumasailalim ang mga ito sa iba’t ibang rehabilitation programs, tulad nang pang-psychological, education maging ng skills at livelihood.
Samantala, inilahad nito na bagamat may kakulangan ay napupunan pa rin nito ang mga pangangailangan ng PDLs.
Umaasa naman ang pamunuan ng BJMP Urdaneta City na magpatuloy ang suporta ng mga Non Government Organizations at ng pamahalaan upang mas mapagaan ang kalagayan ng mga nakapiit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









