PAMUNUAN NG BRGY. PINOMA, HANDA NA SA BRIGADA ESKWELA

Cauayan City – Inihayag ng pamunuan ng Brgy. Pinoma ang kahandaan ng mga opisyal sa pagtulong sa mga paaralan sa nalalapit na pagsisimula ng Brigada Eskwela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Kagawad Patrocinio Balaan, ang siyang nakatalaga sa Committee Education, tatlong paaralan sa kanilang barangay ang nakatakda nilang tulungan sa paglilinis.

Sinabi ni Kagawad Patrocinio na bukod sa mga barangay officials, katuwang rin nila sa paglilinis at pag-aayos ng paaralan ang mga Barangay Tanod, Barangay Health Workers, at iba pang mga volunteers mula sa kanilang lugar.


Samantala, hinihingi rin nito ang tulong at kooperasyon ng iba pang mga residente sa Brgy. Pinoma partikular na ang mga magulang upang mas maging mabilis ang pagsasaayos ng mga paaralan dahil para naman ito sa ikabubuti ng mga estudyante at kanilang mga anak.

Facebook Comments