Pamunuan ng BuCor, aminadong dapat na baguhin ang pag-uugali ng mga personnel sa mga kulungan

Binigyang- diin ng Bureau of Corrections (BuCor), na dapat baguhin na ang asal o pag-uugali ng bawat kawani ng BuCor para sa mas maging maayos ng kanilng hanay.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., kailangan mag-umpisa sa mga jail guards ang magandang asal upang sumunod din ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Dagdag pa ni Catapang, na inuumpisahan na rin nila ang iba pang programa para sa mga kawani ng BuCor tulad ng pabahay, magandang benepisyo, at magandang sahod upang hindi na gumawa ng anumang iligal na gawain ang mga personnel sa loob.


Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa bawat kawani ng BuCor na sumasalungat sa pagsasaayos at reporma ng correctional ng bansa bilang pagtugon pa rin sa sunod-sunod na pangyayari sa loob ng Bilibid.

Facebook Comments