Pamunuan ng Cainta, Rizal at DOH, lumagda sa isang kasunduan

Naniniwala ang pamunuan ng Cainta, Rizal, na malaki ang maitutulong ng kasunduan na nilagdaan nina Mayor Kit Nieto at Department of Health (DOH) Treatment and Rehabilitation Center Director Dr. Alfonso Villaroman, para sa kinabukasan ng mga kabataang gumagamit ng iligal na droga sa Cainta.

Ayon kay Mayor Nieto, bukod sa mababago ang kinabukasan ng mga kabataan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay malaking katipiran din ito sa kanila.

Sa kasunduan, mula sa ₱15,000.00 ay magiging ₱3,000.00 na lang ang babayaran para sa pagpapa-“rehab” ng mga taga-Cainta sa DOH Treatment and Rehabilitation Center sa Bicutan.


Dagdag pa ng alkalde na malaking tulong ito ng DOH sa kanila, higit sa mga kabataang lulong sa droga na nais na magbagong-buhay.

Facebook Comments