Manila, Philippines – Nagpaliwanang ngayon ang pamunuan ng Cebu Pacific hinggil sa nangyaring aberya ng isa nilang eroplano noong Biyernes (June 16).
Sa interview ng DZXL kay Ms. Charo Logarta-Lagamon,Director ng Cebu Pacific Corporate Communications, patungo sana ng Cebu ang flight 5j-575 ng naturang airline nang maantala ang paglipad dahil nag-aantay pa sila ng clearance sa control tower.
Dahil dito, bumigay ang air conditioning system ng eroplano kaya’t nakaranas ng matinding init ang mga nakasakay kung saan ipinaliwang din ni lagamon ang mabagal na responde sa isa nilang pasahero na hinimatay.
Dagdag pa ni Lagamon, humihingi sila ng paunmanhin dahil hindi din nila nais na mangyari ang ganitong klaseng sitwasyon at handa naman silang magbigay ng paliwanag sa kinauukulan.
Hihintayin naman muna ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang resulta ng imbestigasyon ng civil aeronautics board kaugnay ng nasabing insidente bago imbestigahan ang piloto ng air carrier.